im on my way to Believing...

Month

January 2011

62 posts

Everyone has a secret they haven't shared. Everyone has a past no one's heard about. Everyone has talents that people don't notice. Everyone has weaknesses hidden inside. Everyone has a story left untold, so never start judging someone thinking you know them back to front. Because the truth is, you probably don't.
Jan 28, 201159,356 notes
Jan 28, 201127 notes
Jan 28, 201135 notes
Jan 28, 2011314 notes
“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa
paggawa ng wala.”
—Bob Ong
Jan 26, 2011
“Never ever grow tired of living your life. Never ever quit on moving forward. Never ever stop running, for you never know how many persons are looking up to you and see you as their inspiration in their own respective lives. Keep on moving, your LIFE MATTERS.” —Unknown
Jan 26, 2011
Jan 26, 2011
#do you know that..
sa tingin niyo, sino ang tama?

                              ANG MGA BABAE TALAGA  OO

                                                     by redrope

 

*grabe. usapang  lalake*

 

*sindi ng  yosi*

*hithit*

 

*buga*

Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip.  Minsan talaga  may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko  ba.

*hinga ng  malalim*

 

Bakit ba ganun pare, ilang  beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit ‘sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.

*tingin sa stars*

Minsan naiisip ko,

 

alam kaya  ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng  first move para magtapat ng pagmamahal?

 

E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya?

 

Ang feeling ng masaktan pag nabasted?

 

Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?

*tingin sa  malayo*

Lagi naman ganun. Una pa lang,

 

lalake na ang naghihirap.

 

Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang  gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun?

 

Mahirap  magsabi na mahal mo na yung babae, diba?

 

Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max.Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod.

 

At ano ang kapalit?

 

Well,  depende sa trip nila.

 

 Oo tol, sa trip lang  nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo  trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan.

 

Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo.

 

Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga  standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.

Wala tayong magagawa, marami silang alibi.

“Hindi pa ‘ko ready eh..”,

“Sorry pero I think we should just be friends..”,

“Ha? Uhhmm..nagpapatawa ka ba? Hahahaha..”

 

“Better  luck next time na lang muna, okay lang?”,  

 

“Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..”,

 

“Para  lang kitang kapatid e..”,

 

yaddah yaddah. Isang  malaking pagsasaklob ng langit at lupa ‘yon  para saten.

*kuha ng bote ng  beer*

 

*lagok*

*lunok*

 

At hindi lang ‘yon tol. Sa  pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle.

 

 

Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat  magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo.

Sila? Ummm? Teka, isipin  ko.

Ayun.

 

Sila ang magsasabi kung  anong oras kayo  dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang  magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka  dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa  bahay nila, kung kelan sila di dapat bad  tripin dahil meron sila, at kung kelan ka  korni.

 

Ewan. Ganun ata talaga.

*kuha ng bote ng beer*

*lagok*

*lunok*

Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang

bahala kung ano ang magiging  takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.

*hinga ng  malalim*

Pero alam mo tol,

 

 

feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam  mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro  lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo,  lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang  pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.

*hinga ng malalim*

*tingin sa malayo ulit*

At ito pa ang pinakamasaklap.

*singhot*

Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong ‘to, either

 

sawa na sila,

hindi na tayo trip,

may nahanap na silang better saten,

o kaya  they need f*cking space and time muna.

 

Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.

At ano pa ang kasamang hassle don?Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan.Na playboy.

Na nagpapaiyak.

*iiling*

Tayo siyempre ang mga

 

 antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak.

 

 Ang ending: mag-ooffer sila ng “friendship” kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa  pag-ibig, “player” na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.

Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?

Ako, kamusta? Eto.Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa  bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak.

Ang mga babae talaga, oo.

 

                                          ANG MGA LALAKE TALAGA, OO

                                               (tugon kay redrope)

                                                       by xristel

 

Ano ba itong si redrope?

Kaming mga babae na naman ang  nakita. Lalake, agrabyado. Lalake, kinakawawa.  Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang nagisa ang mga kabaro ko.

Tungkol sa pagiging  patas sa ngalan ng pag-ibig, kami naman ang laging talo a, hindi kayo. Kami ang laging lugi, kami ang lagging nawawalan at iniiwan.

Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi. Hindi pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na malakas kang mag! sa! lita, palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita na kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat disente, dapat mala-anghel ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa raw ang mahilig mamili?

 

 

Parang baliktad yata?

Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka,para habulin ka pa lalo.

 

Kapag hindi ka naman nagpakipot “easy to get” naman ang tingin sa iyo.

 

Hindi ka na seseryosohin. Sino bang may sabing magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay niyo. Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag nabili na at mapagsawaan wala na, balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi. !

 

“Tawagan nalang kita pag trip ko o  kaya’y pag may gusto akong ipagawa sa  iyo.”

 

Ano pa ba? E di sinagot mo na  diba. Utang na loob pa natin yun. Dahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo

 

“demanding” ka.

Meron ka pang maririnig na

 

“I think we need space”

 

 at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing di dapat kami magpakabait, maging devoted at faithful? Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin.

 

Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano  pang mga bansag ang itatawag sa amin

 

Kapag kayo gumawa  noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo yon. Kaya kami, walang magawa. Magpapakaburo at

magpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala namang ibang  magagawa eh.

Tungkol naman sa  tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang namin iyon. Karapatan namin na lambingin niyo kami, icheck at ipakita ! sa amin na mahal niyo kami.

Hindi rin ibig  sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga  kung minsan ang pagbawas ng level of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak namin  pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga artista?!

Alam niyo iyon?

 

Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama.

 

 

Hindi nila kami maiintindihan kapag nagseselos kami.Bakit naman kami magseselos kung wala kaming nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas masarap.

Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na.Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino  ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang  choice. Kasi ang babae pag sinabing “break na tayo” lambingin lang iyan ng konti balikan blues na iyan.

 

Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan. Kahit mag-tambling ka  pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato.Wa-epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa.

Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung anu-ano.

 

Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo.

 

Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila. Kapag  gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na naging girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig talaga.

Ano ba namang buhay to? Ang  hirap ding maging babae ano. Kala nila laging  sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.

Ang mga lalake talaga,  oo.

Jan 26, 2011
“If you run away, I’ll follow, no matter where you are, even to hell, no matter where you go, I’ll always follow you, because I want you.” — Dao Ming Si to Shan Cai ( Meteor Garden I)
Jan 26, 2011
Jan 26, 20113,823 notes
Jan 26, 20112,304 notes
Jan 26, 20111,135 notes
Jan 26, 2011224 notes
“I would rather have one breath of her hair, one kiss from her mouth, one touch of her hand, than eternity without it.” —City of Angels
Jan 25, 2011
Jan 25, 20112,160 notes
Jan 25, 201111 notes
Jan 25, 2011555 notes
“the greatest thing you’ll ever learn is just to love and be loved in return.” —Moulin Rouge
Jan 25, 2011
“Live your life so that when you die, you are smiling and the people around you is crying.” —Unknown
Jan 25, 2011
Jan 25, 20112 notes
Next page →
2012 2013
  • January 14
  • February 36
  • March 20
  • April 24
  • May 44
  • June 28
  • July
  • August
  • September
  • October
  • November
  • December
2011 2012 2013
  • January 5
  • February 14
  • March 14
  • April 14
  • May 38
  • June
  • July 1
  • August 45
  • September 48
  • October 42
  • November 37
  • December 11
2010 2011 2012
  • January 62
  • February 17
  • March 19
  • April 42
  • May 77
  • June 180
  • July 163
  • August 15
  • September 19
  • October 27
  • November 18
  • December 31
2009 2010 2011
  • January 77
  • February 86
  • March 131
  • April 57
  • May 36
  • June 13
  • July 70
  • August 138
  • September 138
  • October 194
  • November 108
  • December 7
2009 2010
  • January
  • February
  • March
  • April
  • May
  • June
  • July
  • August
  • September
  • October
  • November 19
  • December 74